Arestado ang isang ‘dayo” na carnapper matapos kuyugin ng mga bystander nang mahuli ng biktima sa aktong itinutulak ang tatangayin sanang Yamaha Mio Sporty kahapon ng umaga sa Pandacan, Maynila.
Binitbit sa Manila Police District -Police Station 10, ang suspek na si John Christopher Llanera,alyas Toper,38,.Taga No. 36 Narra St., CAA Las Piñas City.
Ayon kay Ricardo Manzano, 37, on-call rider, at taga #1257 Industria St., ipinarada niya ang kanyang Mio Sporty may Plate Number 2679 sa harap ng kanilang bahay.
Alas-11:30 ng umaga nang makita niya ang suspek na itinutulak papalayo ang kanyang motorsiklo kaya hinabol niya at sinita.
Gayunman, ibinato ng suspek ang kanyang dalang bag sa biktima at saka kumaripas ng takbo.
Hinabol naman ng suspek at humingi ng tulong sa mga dumadaan sa lugar dahilan para maaresto at kuyugin ang suspek.
Nakatakda naman sampahan ng kasong carnapping ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office, ayon sa pulisya.