Isa nang ganap na siyudad ang Carmona sa Cavite matapos itong paburan ng mga residente sa ginanap na plebisito noong Sabado
Nabatid sa inilabas na.resulta ng Commission on Elections (Comelec) sa plebisito noong Sabado ng gabi na may 30,363 botante o 96% ng kabuuang 31,632 botante ang sumuporta para sa ratipikasyon ng Republic Act 11938, o ang batas na nagko-convert sa Carmona bilang isang component city ng lalawigan ng Cavite, habang may 1,016 indibidwal naman ang tumutol dito para maging siyudad.
Nabatid sa Comelec na nakapagtala ng voter turnout na 53.9%. Ang Carmona ay mayroong 58,691 registered voters.
Magugunita na noong Pebrero 23 ay nilagdaan ni Pangilong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang RA 11938.