Nakakuha ng tatlong shot si Carlos Yulo para makakauha ng medalya sa idinaraos na 2024 Olympics men’s artistic gymnastics event sa pagtatapos ng preliminary round para sa all-around category sa Accor Arena sa Paris, France.
Matapos ang ikatlong subdivision noong Linggo (Manila time), si Yulo, isa sa may posibilidad na magbigay sa Pilipinas ng Olympic medal, ay nasa ikawalong puwesto sa all-around category at nasa top 24 cut-off para sa medal round na may kabuuang 83.631 puntos.
Gaya ng inaasahan, magkuwalipika si Yulo sa finals ng kanyang pet event na floor exercise at tatapusin ang pangalawa sa preliminary round na may 14.766 puntos, 0.2 lamang sa likod ng top finisher na si Jake Jarman ng Great Britain. Si Yulo, na muntik nang manalo ng Tokyo Olympics medal sa vault noong 2021, ay nakakuha ng pangalawang pagkakataon sa apparatus nang tumapos siya sa ikaanim sa preliminary round na may 14.683 puntos.
Gayunman, nahirapan siya sa parallel bars at nagtapos sa ika-19 na may 14.533 puntos. Tanging ang nangungunang walong finishers bawat apparatus ang papasok sa finals na may limitasyon na dalawang gymnast bawat bansa.
Bagamam maaaring nakawin ni Yulo mula kay Jarman ang floor finals, kakailanganin ng 24-anyos Pinoy gymnast talunin ang apat pang Asian gymnast para sa all-around podium.
Si Zhang Boheng ng China ang nangungunang gymnast sa all-around na papasok sa final round matapos makakuha ng 88.597 puntos, habang ang Japanese duo na sina Shinnosuke Oka at Daiki Hashimoto ay pangalawa at pangatlo na may 86.865 at 85.064 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Ang isa pang Chinese gymnast na si Xiao Ruoteng ay pang-apat na may 84.898 puntos.














