Latest News

CARLA ABELLA HINDI PA KAYANG HARAPIN SI TOM

By: Beth Gelena

Natanong si Carla Abellana kung handa na ba siya sakaling magkita sila ng ex-husband na si Tom Rodriguez, na kailan lang ay bumalik na ng Pilipinas.

Sagot ng Kapuso actress, kung sakali raw na mag-krus ang landas nila ay hindi na raw niya na kailangan pansinin o kausapin pa ito.

Malinaw sa sagot ni Carla na hindi pa siya handang makaharap ang dating asawa.

Dagdag ng aktres, hindi pa raw talaga siya ready na makatrabahong muli si Tom.

Balik-GMA Network na rin kasi ang aktor.

Ang dating celebrity couple ay divorce na dahil US citizen si Tom kaya nag-file na siya sa korte ng Petition of Recognition of Foreign
Divorce Decree.

Tags:

You May Also Like

Most Read