Quiboloy, hinihikayat ng Obispo na sumuko

By: Carl Angelo

Isang Obispo na mismo mula sa Mindanao ang humihikayat sa tele-evangelist na si Pastor Apollo Quibolo, pinuno ng Kingdom of Jesus Christ, na sumuko na at harapin ang kasong isinampa laban sa kanya sa korte.

Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, ito ay para na rin sa kapakanan ng kanyang mga tagasunod at upang matigil na ang karahasan.


Anang Obispo mas makabubuting sa hukuman na magpaliwanag at linisin ng pastor ang kanyang pangalan laban sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

“Pastor Quiboloy must surrender now for the sake of his people and to stop more loss of lives and damages of property. If he is innocent, there is the court. Rule of Law must prevail and must be respected and obeyed,” ayon sa Obispo.

Maaalala na nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng pulisya at mga tagasunod ni Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City, nang isilbi ng mga pulis ang arrest warrant laban sa pastor.


Bigo pa rin ang pulisya na maaresto si Quiboloy subalit dalawang hinihinalang biktima naman ng human trafficking ang nailigtas umano ng pulisya at Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa loob KOJC compound sa Davao City.

Isinagawa ang nasabing rescue operations kasabay ng paghahain ng warrant of arrest laban kay Quiboloy at mga kasamang akusado na nahaharap sa kasong child abuse at human trafficking.


Tags: Pastor Apollo Quibolo

You May Also Like

Most Read