Latest News

Caritas Philippines, nanawagan ng tulong para sa mga biktima ng pagbaha sa Mindanao

By: Jaymel Manuel

Nanawagan ang Caritas Philippines ng tulong para sa mga pamilya at komunidad na matinding naapektuhan ng malawakang mga pagbaha sa Mindanao.

Ayon sa Caritas, ang donasyon ay para sa mga biktima ng pagbaha sa Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at sa Bangsamoro.


“The Philippines has been hit by massive flooding in recent weeks, and the people of Mindanao are in desperate need of help,” saad ng Caritas.

Ang mga donasyon umano na kanilang matatanggap ay gagamitin sa isinasagawa nilang emergency relief efforts, kabilang na ang pagkakaloob ng mga food packs, sleeping kits, hygiene kits, kitchen wares at emergency shelter kits sa mga pamilyang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan dahil sa mga pagbaha.

Magugunita na sa mga nakalipas na araw, isang low pressure area (LPA) ang nagdulot ng malalakas at tuluy-tuloy na pag-ulan at malawakang pagbaha sa Mindanao.


Nasa 214,000 pamilya o 812,000 katao sa naturang limang rehiyon ang naapektuhan ng naturang kalamidad.

Sinabi ng Caritas Philippines na ang mga donasyon ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng pagdedeposito sa bangko, partikular na sa Metrobank (632-7-632-02847-0); BDO (00450803419-2); at BPI (4951-0092-24).


Tags: Caritas Philippines

You May Also Like

Most Read