TRENDING ngayong Linggo ng Pagkabuhay ang paskil ni Cardinal Chito Tagle sa kanyang Twitter nitong Abril 12 tungkol sa mga indibidwal na naniniwala sa mga kasinungalingan at pekeng balita.
Binanggit niya na hindi ba napapagod ang tao sa lahat ng kasinungalingan, sa mga pekeng balita, at mga paninira.
“Don’t you get tired of all the lies, the fake news, and the bashing that happens?” saad niya.
Nasabi rin niya na kailangan munang huminto ng lahat at magnilay.
“If we are energized by that, I think we need to pause and examine ourselves,” dagdag niya.
Batay sa kanya, mabuting tanungin ang mga sarili kung bakit buhay na buhay kapag kasinungalingan ngunit nawawalan ng interes kapag pinag-uusapan na ang katotohanan.
“’How come I am energized by all of this falsehood and lies? And when it comes to truth, I don’t have energy or interest?’” pagtatapos niya.














