Latest News

Cardinal-designate David at Pope Francis, nagkadaupang-palad

By: Carl Angelo

Nakadaupang-palad ni Cardinal-designate Pablo Virgilio David, na siya ring pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Pope Francis may ilang araw lamang matapos ang kanyang appointment bilang isa sa 21 bagong Cardinal ng Simbahang Katolika.

Ayon sa anunsyo ng Roman Catholic Bishop of Kalookan sa kanilang social media account, nabatid na dumating ang bagong cardinal ng maaga sa Synod Hall ng Vatican City.

Dito umano niya nakita ang Santo Papa, na maaga rin palang dumating sa lugar.


Kaagad umanong nagtungo si David sa mesa ng Santo Papa at nagbigay-galang dito.

“…the bishop introduced himself in Spanish, saying, “Santo Padre, I am the Bishop from the Philippines… You’ve changed my life again!” bahagi pa ng paskil.


“The Holy Father initially seemed puzzled and glanced at the bishop’s name tag. Recognition dawned on his face, and he exclaimed, “Oh, you’re Pablo Virgilio, yes, one of the 21!” the Pontiff replied,” aniya..

Ngumiti umano ang Santo Papa, inabot ang kamay ni David at nakipagkamay dito.


Ayon pa umano sa obispo,” I had trouble pronouncing the name of your diocese—Kalukan? How do you say that again?”, na tinugon naman ni David ng, “No, it’s Kalo-ókan, accent on the second o.”

Ibinahagi pa umano ng obispo sa Santo Papa na una niyang inakala na biro lamang ang natanggap na balita hinggil sa kanyang appointment.

Tumawa naman umano ang Santo Papa at sinabing, “Don’t take things too seriously, Pablo. Take it with a grain of humor, God’s humor. Ok?”

Sa puntong ito, tiniyak umano ni David kay Pope Francis ang kanyang suporta.

“I’m here for you—in whatever way I can be of help. Please give me your blessing,” aniya pa.

Bago tuluyang maghiwalay, binasbasan ni Pope Francis ang cardinal-designate at niyakap.

Si David, na kasalukuyang nasa Roma at dumadalo sa Synod of Bishops on Synodality, ay pormal na itatalaga bilang bagong cardinal ng Simbahang Katolika sa isang consistory na nakatakda sa Disyembre 8, 2024 at siya ang magiging ika-10 cardinal ng Pilipinas.

Tags: Cardinal-designate Pablo Virgilio David

You May Also Like

Most Read