Latest News

CARDINAL DAVID, TUMULAK PA-ROMA PARA SA LIBING NG SANTO PAPA AT CONCLAVE

By: Carl Angelo

Tumulak na si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa Roma upang dumalo sa libing ni Pope Francis at sa idaraos na conclave para sa pagluluklok ng bagong Santo Papa ng Simbahang Katolika kahalili ng namayapang Pope Francis.

Si Cardinal David ay lumipad patungong Roma nitong Huwebes at ayon sa social media post ng diyosesis ng Kalookan, “Off he goes—Cardinal Ambo on his way to pay his final respects to Pope Francis. A quiet moment, but filled with so much meaning.”

Dagdag pa nito, “Let’s continue to pray for the soul of our beloved Holy Father, and for all our Cardinals—especially Cardinal Ambo—as they carry on the mission of hope and service.”


Si David ay inaasahang dadalo sa libing ng Santo Papa at lalahok din sa idaraos na conclave ng mga cardinal o pagluluklok ng bagong Santo Papa.

Bukod kay David, may dalawa pang Filipino cardinal na ‘eligible’ upang makilahok sa conclave.


Kabilang dito sina Cardinal Luis Antonio Tagle, na kasalukuyan nang nakatalaga sa Vatican at si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Sumakabilang-buhay si Pope Francis sa edad na 88, noong Easter Monday. Nakatakdang ilagak ang kanyang mga labi sa kanyang huling hantungan sa Sabado, Abril 26., 2025.


Tags: Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David

You May Also Like

Most Read