CANCELLATION NG SERVICE RECOGNITION INCENTIVES SA PNP, FAKE NEWS

By: Victor Baldemor Ruiz

IPINAG-UTOS ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na imbestigahan at papanagutin ang nasa likod ng fake memo na nagsasabing kanselado ang Service Recognition Incentives para sa mga kuwalipikadong miyembro ng PNP.

Una nang itinanggi ng PNP na nagpalabas sila ng memorandum kaugnay sa “cancellation” ng Service Recognition Incentive (SRI) para sa kanilang mga tauhan na mabilis na kumalat sa social media.


“Absolutely fake news…appropriate charges will be filed against individuals found culpable for this deliberate attempt to mislead and sow confusion within our ranks and the general public,” pahayag ng pamunuan ng PNP.

“The circulating document is absolutely fake news and should not be considered legitimate or credible,” ayon pa sa PNP kaugnay sa sinasabing memo na nagtataglay ng letterhead ng ahensya .

Tiniyak ng PNP sa kanilang mga tauhan na kasalukuyan NAng pinoproseso ang SRI para sa Fiscal Year (FY) 2024.


Magugunitang inihayag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang pagkakaloob ng SRI sa mga qualified government personnel kabilang ang mga guro, military at uniformed personnel, kung saan makakatanggap umano ng P20,000 ang bawat isa sa kanila.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva at PHILIPPINE National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos

You May Also Like

Latest News