Nais ng mga negosyante at bankers sa Canada na maglagak ng negosyo sa Pilipinas.
Inihayag ito ng mga Business leaders,bankers at stakeholders sa ginanap na Philippine Economic Briefing (PEB) sa kauna-unahang pagkakataon sa Toronto, Canada noong Hulyo 13, 2023.
Sa kanyang welcome message,sinabi ni Managing Director Alain Auclair ng UBS Securities Canada na ang Pilipinas ay isa sa ‘most dynamic economies’ sa Asia-Pacific Region na sa kabila ng nangyaring pandemya ay naging isang kaakit-akit na investment destination.
“The country’s solid macroeconomic fundamentals reinforced the structural reforms, enabling it to withstand the headwinds and mount on strong recovery.” aniya,
“And with capable leadership at the forefront of a robust economic plan, the Philippines is poised for a promising economic future,” ayon kay Auclair.
Sinabi ni Ambassador of the Philippines to Canada Maria Andrelita Austria na ang magandang economic performance ng bansa at ang maayos na relasyon sa ekonomiya ng dalawang bansa ang isa sa dahilan kung bakit gustong maglagak ng puhunan ang Canadian banks.
Napag-alaman sa mga kinatawan ng pribadong sektor na ang mga naturang business opportunities ang pinag- usapang agenda sa pulong.
Ayon kay Sun Life Philippines CEO and Country Head Benedicto Sison ang tatlong ‘key factors’ kung kaya maganda na mag invest sa Pilipinas ay ang promising opportunity para lumago, resilient economy, at ang regulatory environment.
“That is why you hear economists like the International Monetary Fund, World Bank, and the Asian Development Bank describe the Philippine economy as robust because it is supported by strong and sustainable consumer spending. And this consumer confidence is further boosted by the young population of the Philippines and even further boosted by its sound financial system,” ani Sison.
Gayundin, sinabi ni Manulife Philippines President at CEO Rahul Hora na ang Pilipinas ay may paborableng demographics at may high literacy rate na 99.0% at pamilyar din sa lengguwaheng English na importante sa Canada.