Latest News

Call center agent, tumalon sa rooftop, patay

BASAG ang bungo at lasog ang katawan ng isang 31-anyos na call center agent na sinasabing may “bipolar disorder”, matapos na lumundag umano mula sa rooftop ng ika- apat na palapag ng tinitirhang gusali , kahapon ng madaling araw sa Sta Cruz, Maynila.

Bumagsak patihaya at una ang ulo, ng biktimang itinago sa pangalang Harold, ng Sta. Cruz, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PCpl Rodolfo Acosta ng Manila Police District-homicide section,naganap ang insidente alas 3:05 ng madaling araw sa naturang lugar.


Nalaman na umalis umano ang biktima sa kanilang lugar alas- 11:43 ng hatinggabi at bumalik alas 2:58 ng madaling araw.

Ayon sa kapatid ng biktima , papatulog na siya nang makarinig ng malakas na kalabog at nang sumilip siya sa bjntana ay nagulat umano siya nang makita ang kapatid na nakabulagta, kaya kaagad niyang tinawag ang ama para puntahan ang biktima.

Isinugod pa sa Chinese General Hospital ang biktima pero wala na itong buhay.

Nalaman rin sa ama ng biktima na noong 2017 ay isinailalim ito sa rehabilitasyon dahil sa “bipolar disorder”.


Patuloy naman iniimbestigahan ang motibo sa pagpapakamatay ng biktima. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read