ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police Station 6, ang isang babaeng call center agent dahil sa reklamong theft, kahapon ng umaga sa A.Francisco Street, San Andres Bukid, Maynila.
Si Rufa Pabia, call center Agent at taga 2326 Chromium Street San Andres Bukid, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Shiela Marie Valencia ,Br 167 ng Metropolitan Trian Court ng Pasay City.
Ayon kay PMAJ Geuel Capuz,ng MPD-PS 6 si Pabia ay nasa 26 most wanted person sa station level ng PS6.
Alas 9:20 ng umaga nang mamataan ang suspek sa nasabing lugar.
Inirekomenda ng korte ang P6,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Pabia.
Naka detine ngayon ang suspek sa Sta Ana Police Station Custodial Facility habang nakabinbin ang return of warrant of arrest at issuance of commitment order. (Carl Angelo)














