Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 13 ang isang call center agent na wanted sa ‘three counts’ ng qualified theft.
Kinilala ni PCapt Mel Soniega,ng MPD-PS13 ang suspek na si Nixon Bagas, 25 , call center agent,.at taga- No.19 A. Santos St. Brgy. Buting, Pasig City. Siya ay dinakip sa loob ng Market Market mall sa Taguig City.
Si Bagas ay inaresto sa bisa ng arrest warrant,na inisyu ni Presiding Judge Bibiano Colasito ng Manila RTC, Branch 10 at may petsang Oktubre 18,2022.
Napag-alaman na naaresto si Bagas alas 5 ng umaga sa nabanggit na lugar at ngayon ay nakadetine sa MPD-Staion 13,habang hinihintay ang confinement order ng korte. (Baby Cuevas)














