Latest News

Si Calapan Mayor Malou Morillo habang hawak ang pagkilala bilang "Most Outstanding Mayor" awardee sa bansa.

CALAPAN MAYOR MORILLO, ‘MOST OUSTANDING MAYOR’ AWARDEE

By: Jerry S. Tan

Sa kanyang maikling panahon ng panunungkulan ay nagawaran na kaagad si Mayor Malou Flores-Morillo ng Calapan City, Oriental Mindoro, ng natatanging pagkilala bilang ‘Most Outstanding City Mayor’ awardee sa Pilipinas. Iginawad ang pagkilala sa ginanap na “Gawad Pilipino Lingkod Bayan Awards 2024” sa isang seremonya na isinagawa sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sa nasabing awarding ay kinilala ng Civil Service Commission ang mga serbisyo-publiko mula sa iba’t-ibang larangan na nakapag-ambag ng kagalingan pagdating sa paglilingkod sa pamahalaan at taumbayan.

Sa pagtanggap ng pagkilala, sinabi ni Morillo na:A sincere thank you to the Gawad Pilipino Lingkod Bayan Awards 2024 for the recognition as one of the “Most Outstanding Mayor” awardees. This honor is not only for me, but for the entire Calapan City and all Calapeños who continue to trust, support and unite our aspirations.”


“Your love and cooperation are the true strength of our city. Let’s just keep doing what is RIGHT—as a guide to our continuous elevation and progress. Thank you very much! Long live Calapan City! Long live the Calapeños!,” dagdag pa nito.

Kabilang sa maraming makabuluhang programa ni Morillo na nagbigay-daan sa pagkilalang tinanggap niya ang mga libreng serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay sa Calapan City na, aniya, ay kinatatampukan ng Expanded Health Program na inilunsad ng kanyang administrasyon.

Ang naturang programa, ayon pa kay Morillo, ay nagdadala direkta sa mga komunidad ng lahat ng libreng serbisyong pangkalusugan laluna sa mga kapus-palad na residente ng Calapan.

Sa pamamagitan din ng nasabing programa, ang mga residente na nangangailangan ng libreng medical services ay hindi na kailangan pang gumastos ng pamasahe, oras o hirap na magpunta pa ng city hall.


Ito ay dahil lahat ng health services na iniaalay sa City Hall ay dinadala na mismo ng pamahalaang-lungsod sa kani-kanilang mga lugar sa ilalim ng programa ni Morillo.

Kabilang sa mga libreng serbisyo na alay ng lungsod ang mga check-ups,bunot ng ipin, mga gamot, health cards, Philhealth, ENT (eyes, nose and throat) checkup at maging ang pagpapa-xerox ng mga kakailanganing dokumento.

Sa paghahayag ng pasasalamat sa award-giving body, pinasalamatan din ni Morillo mismo ang mga residente ng Calapan City. Aniya, ang natanggap niyang parangal ay kongkretong patunay na epektibo ang mga programa at proyektong inilahad ng kanyang pamumuno sa lungsod.

Ani Morillo, magsisilbing inspirasyon ang pagkilalang iginawad sa kanya at kanyang liderato hindi lamang para sa kanya kungdi maging sa lahat ng kanyang ka-trabaho, upang higit pa nilang pagbutihin ang pagbibigay ng pinakamahusay na paglilingkod at patuloy na ‘good governance’ para sa mga Calapeños.


Tags: Calapan Mayor Malou Morillo

You May Also Like

Most Read