CABANATUAN DRUG DEN, NABUWAG NG PDEA; MAHIGIT 100K HALAGA NG SHABU, NAKUHA

ISANG ‘makeshift’ drug den ang nabuwag matapos ang isinagawang joint anti-narcotics operation ng PDEA Nueva Ecija Provincial Office Region 3, kasama ang lokal na pulisya, sa Barangay Lourdes ng nasabing siyudad.

Tatlong drug personality ang naaresto sa isinagawang pagsalakay at nahulihan ng illegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000.


Kinilala ang mga naaresto sa entrapment operation na sina Vergel Ignacio y Pascual @Red Horse, 41; Joseph Lanticse y Requilme @ Budjong, 50, at Lea Lanticse y Manalang, 41 taong gulang

Batay sa report ng mga operatiba ng PDEA RO3 kay Regional Director Bryan Babang , isang buybust operation ang ikinasa matapos na magpositibo ang kanilang nakalap na intelligence information hinggil sa drug activities ng mga suspek sa lugar.

Ang operation ay nagbunga ng pagkakasamsam ng pitong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 15 grams na nagkakahalaga ng P102,000; samu’t- saring drug paraphernalia at buy-bust money.


Kasong paglabag ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang isasampa laban sa mga nahuling suspek. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: PDEA Nueva Ecija Provincial Office Region 3

You May Also Like

Most Read