Latest News

CAAP, EASA Experts Magtutulungan Para Bumuo ng Civil Aviation Master Plan

By: Jerry S. Tan

Ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at European Union Aviation Safety Agency (EASA) ay nagsanib- pwersa para bumuo ng komprehensibong Civil Aviation Master Plan (CAMP) na layong patatagin ang aviation sector ng bansa.

Ang inisyatibong ito ay pinagtibay upang iayon ang aviation ng Pilipinas alinsunod sa pandaigdigang pamantayan ng kaligtasan at kahusayan.

Ang CAMP ay inaasahang magiging isang estratehikong plano na tutugon sa mahahalagang hamon ng industriya ng aviation sa Pilipinas habang pinapakinabangan ang mga oportunidad para sa paglago nito.


Bilang bahagi ng inisyatibang ito, isinagawa ang mga high-level session sa pagitan ng CAAP at iba pang mga stakeholder sa pangunguna ng EASA mula Enero 21-23, 2025. Ang mga sesyong ito, na isinagawa sa ilalim ng EU-ASEAN Sustainable Connectivity Package (SCOPE) Aviation Partnership Project (APP), isang inisyatiba ng EU na naglalayong mapabuti ang koneksyon sa air transport at kaligtasan ng mga bansang kasapi ng ASEAN at EU, ay nagbibigay ng mahalagang plataporma upang mailahad ang mga layunin, matugunan ang mga hamon ng sektor,at makabuo ng iisang pananaw tungo sa isang mas sustainable na industriya ng aviation.

Ayon kay CCAP spokesman Eric Apolonio, walong eksperto sa aviation ang katuwang ng CAAP upang maingat na buuin ang master plan na akma sa konteksto ng Pilipinas. Bukod pa rito, ang pakikipag-ugnayang ito ay nagmamarka ng isang makasaysayang tagumpay para sa aviation ng Pilipinas, na hindi lamang magpapabuti sa koneksyon at kaligtasan ngunit magtataguyod din ng Pilipinas bilang isang modelo ng sustainability at katatagan sa rehiyon.

“The Civil Aviation Master Plan represents a significant milestone for Philippine aviation. With the support of our partners, we are confident this initiative will not only improve connectivity and safety but also establish Philippine aviation as a regional model for sustainability and resilience,” saad ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo.

Ipinapakita ng inisyatibo ng CAAP ang dedikasyong palakasin ang strategic partnerships na magdadala ng pang-matagalang benepisyo para sa industriya ng aviation, pasahero at sa ekonomiya. Sa pagpapalakas ng imprastruktura at kakayahan ng bansa sa larangan ng panghimpapawid, layunin ng CAAP na ilagay ang Pilipinas bilang isang premier hub para sa ligtas, mahusay, at sustainable na air transport sa rehiyon ng ASEAN, ayon pa kay Apolonio.


Tags: Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)

You May Also Like

Most Read