By: JANTZEN ALVIN
NAIS ng Court of Appeals(CA) na buhayin ng Manila Regional Trial Court ang dalawa sa tatlong kasong kriminal na kinakaharap ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.
Ayon sa 12-pahinang desisyon ng CA 12th Division, tinukoy nito ang pagkakaroon ng procedural lapses nang paburan nito ang petisyon na kumukwestiyon sa desisyon noong Agosto 2020 at Marso 2022 resolution ng Manila Regional Trial Court Branch 26, na nagpapawalang-sala kay Espinosa sa mga kasong illegal possession of firearms and ammunition at paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa desisyon ni Judge Silvino Pampilo noong Agosto 2020 ay ipinawalang-sala nito si Espinosa sa mga naturang kinakaharap na kaso habang sa resolution noong Marso 2022 ni acting Presiding Judge John Benedict Medina, na siyang pumalit kay Pampilo, ibinasura naman ito.
Ipinasaisantabi naman ng CA ang naturang ruling at sinabing: “In view of the foregoing considerations, the Court finds sufficient reason to vacate the findings of the RTC in its assailed decision and resolution and remand [the] criminal case… for the continuation of the consolidated trial on the merits.”
Ayon sa petisyon ng prosekusyon sa CA, ang hukom ay nakagawa ng ‘grave abuse of discretion’ dahil sa pagresolba ng mga kaso nang hindi pa nila nakulumpleto ang presentasyon ng kanilang ebidensiya.
Kinatigan ito ng CA at pinuna ang desisyon ng RTC na diumano ay na-promulgate nang wala ang public prosecutor namay hawak ng kaso.
Ayon sa prosekusyon, “…the RTC seriously erred in proceeding with the promulgation of judgment without the public prosecutor despite his presence as early as 10 a.m.”.














