Latest News

CA, BINALIGTAD ANG PAGKAKA-ABSWELTO NI DUMLAO SA PAGPATAY SA KOREANO

By: JANTZEN ALVIN

Binaligtad ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyong naga-abswelto kay PSupt. Rafel Dumlao III kaugnay ng kasong.pagoaslang sa Korean national na si Ick Joo Jee (Jee).

Ayon sa desisyong isinulat ni Associate Justice Carlito B. Calpatura ng Court of Appeals’ Thirteenth Division, kinatigan ang petition for certiorari na inihain na humihiling na ipawalang- bisa ang Joint Decision ng Angeles City Regional Trial Court (RTC), Branch 60, na nagpawalang-sala kay Dumlao.


Si Dumlao ang itinurong mastermind, kasama si SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas , Jerry Omlang at Gerardo Santiago, na kinasuhan dahil sa pag-kidnap at pagpatay kay Jee sa loob ng Camp Crame kung saan sinampahan rin ng illegal detention ang kasambahay ni Jee na si Marisa Morquicho.

Sina Sta. Isabel at.Omlang ay nahatulan sa kasong kidnapping with homicide, kidnapping at serious illegal detention at carnapping.

Unang inabsuwelto ng RTC si Dumlao pero ipinarekunsidera ito kaya naghain ng petition sa CA.

Iginiit ng CA na ang acquital ni Dumlao ay tahasang pagba-balewala sa mga ipinrisintang ebidensiya.


Si Dumlao ay hinatulan ng CA ng reclusion perpetua at diskuwalipikado na mabigyan ng parole. Pinagbabayad rin si Dumlao ng P350,000 danyos sa kasong kidnapping with homicide, habang reclusion perpetua at P225,000 danyos naman para sa kidnapping at serious illegal detention at 30-35 taon pagkabilanggo para sa carnapping.

Tags: Court of Appeals (CA)

You May Also Like

Most Read