Latest News

Buwis ng mga vlogger at social media influencers sisilipin ng incoming BIR chief

Inihayag ni incoming Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Lilia Guillermo na sisilipin ng kanyang pamunuan ang buwis ng mga vlogger at social media influencers sa bansa.

Aniya, maraming nagsasabi na hindi napapatawan ng tax ang mga negosyo online at sa Facebook

“Ia-analyze namin kung ilan ang followers niya, we can compute, you should be paying taxes,” ani Guillermo, na nagsabing balak din umano niyang ipa-lifestyle check ang mga social media influencer.


“Marami rin nakikitang citizens ang tataas ng lifestyle nila, yet kung compare mo taxes na binabayaran nila, ma-question mo rin: Bakit ang dami mo properties? Display mo pa nga,” ayon pa kay Guillermo.

Hinihimok niya ang mga influencer na magparehistro, mag-isyu ng mga resibo at magbayad ng wastong buwis.

Gagamitin umano niya ang mga karanasan niya bilang statistician, IT professional at karanasan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para pagbutihin pa ang pangongolekta ng buwis sa bansa. (Jaymel Manuel)


Tags: Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Lilia Guillermo

You May Also Like

Most Read