BUS, NAHULOG SA BANGIN; 17 PATAY, 12 SUGATAN

By: Victor Baldemor Ruiz

UMAKYAT na sa 17 ang bilang ng nasawi habang 12 naman ang iniulat na sugatan nang mahulog sa bangin ang isang passenger bus sa bayan ng Hamtic, Antique, Martes ng hapon.

Ayon sa Antique police, 17 ang nasawi kabilang ang driver at inspektor ng bus at isang 17-anyos na estudyante na nasagi ng bus.

Naging pahirapan ang pagkuha sa mga bangkay ng driver at inspector ng bus dahil kapwa naipit ito nang bumulusok ang bus pababa sa malalim na bangin.


Una nang nilinaw ng Vallacar Transit, na nagmamay-ari ng Ceres bus na nahulog sa bangin sa Hamtic, na 24 lang ang mga pasahero ng bus na may bus number na 6289.

Lumitaw sa pagsisiyasat na nagmula ng Iloilo ang bus at papuntang Culasi, Antique nang mahulog ito sa bangin sa KM 174, Igbucay, Hamtic, Antique.


Sa inilabas na statement ng management ng Vallacar Transit na nagmamay-ari ng Ceres bus na nahulog sa bangin, boluntaryo na nilang sinuspinde ang prangkisa ng 12 pang ibang mga bus na kasama sa prangkisa ng Case No. 11-VI-021-AK.

Itinuturing din ng pamunuan na ‘accident-prone’ ang naturang lugar dahil madalas na may nahuhulog na mga sasakyan doon.


Samantala, inihayag naman ni Governor Rhodora Cadiao na matagal na silang humingi ng tulong sa national government dahil marami na rin umanong naunang naaksidente sa lugar.

Tags: Antique Police

You May Also Like

Most Read