Latest News

BUREAU OF IMMIGRATION, NABABAHALA AT ALERTO SA MGA ‘SEX OFFENDERS’ SA BANSA

By: Jerry S. Tan

TulUy-tuloy ang kampanya ng  Bureau of Immigration (BI) sa pangunguna ni Commissioner Norman Tansingco laban sa mga banyaga na may kasong nauukol sa pangmomolestiya ng mga bata.
Aniya, nakakabahala ang sunod-sunod nilang pagtimbog at pagpigil sa mga dayuhan na tila patuloy na nagtatangkang makapasok ng Pilipinas.
Pinakahuli sa dami ng mga pinigilang makapasok ng bansa ang dalawang Amerikano na na-convict sa sexual molestation ng mga menor de edad sa US.
Dapat papurihan ang sama-samang magandang trabaho nina Tansingco, intelligence division chief Fortunato Manahan, Jr., fugitive search unit chief Rendel Sy at border control intelligence unit chief Dennis Alcedo na siyang dahilan kung bakit epektibong napipigilang makalusot ng bansa ang mga dayuhang may kasong pang-aabuso ng Kabataan.
“We will not allow that to happen.  We are duty-bound to implement a provision in our immigration act that prohibits the entry of aliens convicted of crimes involving moral turpitude.  We will not allow the entry of these undesirable aliens to pose a threat to our women and children,” mariing pahayag ni Tansingco.
Nagpahayag ng pagka-alarma si Tansingco sa sunod-sunod na tangkang pagpasok ng mga foreign sex offenders o registered sex offenders (RSOs)  sa bansa, hindi lamang sa NAIA Terminals kundi maging sa mga terminal sa probinsiya.
Halos naging araw-araw na umano ito at hindi na limitado sa airport ng Kamaynilaan.
Nag-aalala daw si Tansingco na baka may mga kasabwat nang tao sa bansa ang mga ito na ang layunin ay i-promote ang bansa sa labas bilang isang lugar na may ‘sex tourism’ .
Sa dami ng mga nahuli at tinunton ng BI nitong taong kasalukuyan lamang, masasabing maraming mga menor de edad sa Pilipinas ang nakaligtas para maging biktima ng sexual abuse.
“Sex offenders are not welcome in the Philippines. These individuals with a criminal past, convicted of crimes, especially those committed against children do not deserve the privilege to stay in the Philippines,” ani Tansingco.
Nagkamali ang mga banyagang ito sa pagpili sa bansa para gawing taguan o kaya ay para maging pugad ng kanilang mga iligal na aktibidad.
 * * *
 Maaaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.
Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like

Most Read