Latest News

BUNTIS NA ILLEGAL RECRUITER, ARESTADO SA MPD

By: Baby Cuevas

Arestado sa Manila Police District -Station 9 kamakalawa ng hapon sa Malate, Maynila ang isang 38-anyos na buntis matapos itong ireklamo sa kasong estafa /swindling dahil sa iligal na pagre-recruit diumano ng mga gustong magtrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay PEMS Flaviano Gacal, imbestigador ng MPD-PS9, ang suspek na si Maricel Manipon, ng Brgy. Nagsabangan, San Juan, La Union, ay inireklamo ng isa sa kanyang mga biktima .


Pasado alas- 5 ng hapon nang maaresto ang suspek sa tapat ng Kenny Rogers sa Malate, Maynila.

Napag-alaman na may mga reklamo rin laban sa suspek sa Ilocos at La Union, kaugnay sa iligal na pagre-recruit ng suspek.

Hinikayat naman ni Gacal ang. mga nabiktima ng suspek sa Ilocos at La Union na magsampa ng reklamo sa istasyon ng pulisya laban sa suspek.


Isinailalim ang suspek sa inquest proceedings sa Manila Prosecuto’rs Office sa kasong estafa at swindling at nakadetine ito ngayon sa MPD-PS9.


Tags: Manila Police District-Station 9

You May Also Like

Most Read