BUMISITA SA MANILA NORTH CEMETERY, PUMALO SA 1 MILYON

By: Baby Cuevas

Pumalo sa mahigit 1 milyong katao ang bumisita sa Manila North Cemetery (MNC) ng Nobyembre 1. Ang MNC ang pinakamalaking sementeryo sa bansa.

Ayon sa pag-monitor ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni Director Gen. Arnold Thomas Ibay, may kabuuang 1,015,000 ang bilang ng mga taong bumisita sa MNC hanggang alas-5:30 ng hapon.


Sinabi ni Ibay na 76,300 naman ang naitalang bumisita sa Manila South Cemetery hanggang alas-3 ng hapon at sa Manila Chinese Cemetery ay naitala ang 6,050.

Sa pangkalahatan, sinabi ni Ibay na naging mapayapa ang paggunita ng ‘Undas’ sa Maynila at wala umanong naitala ang MPD na anumang kaguluhan.


Tags: Manila North Cemetery (MNC)

You May Also Like