BULLYING, PWEDENG ITAWAG SA 911 EMERGENCY HOTLINES

By: Victor Baldemor Ruiz

NAPAGHANDAAN ng Philippine National Police (PNP) ang pagbubukas ng klase kahapon araw ng Lunes sa buong bansa habang tuloy- tuloy na nakikipag- ugnayan ang kapulisan sa pamunuan ng mga paaralan para makatugon sa pangangailangan ng mga mag- aaral, ayon kay PNP chief Gen. Nicolas Torre.

Tiniyak ni Torre ang mas pinatibay na ugnayan ng kapulisan at mga eskwelahan para bantayan ang kaligtasan ng mga estudyante kontra bullying at iba pang krimen, ngayong nagsimula na ang klase sa buong bansa.


“Ang pag-iinspeksyon actually, idinelegate na natin sa ating mga district directors dito sa Metro Manila, sa kanilang station commanders. Sa ibang parte ng bansa, inutusan na natin ang regional directors, provincial directors, at chiefs of police, na mag-coordinate sa mga school heads para sa kanilang security requirements,” paliwanag ng heneral.

Ayon pa kay Torre, hindi palalagpasin ng PNP ang anumang banta sa mga kabataan sa loob man ng eskuwela o sa labas lalo na tuwing uwian.

Dial 911, darating kami sa loob ng limang minuto,” paalala ni Torre.


“With the implementation of the 5-minute response time program of the agency, 911 hotline can also be utilized by victims of bullying,” aniya.

Hinimok din ni Torre ang publiko na gamitin ang 911 emergency hotline sa pag-uulat ng bullying o anumang kahina-hinalang insidente na maaaring makapinsala sa mga mag-aaral.


“Nagtutulungan kami para namo-monitor, kung ano ang nangyayari. Kasi ang bullying hindi lang nangyayari sa eskwelahan eh. Para sa ating mga kababayan including sa mga magulang, huwag niyo na kami hanapin sa mga presinto sapagkat kami ay nasa inyong mga telepono.


Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like