Latest News

BULGARI NECKLACE NA SUOT NI GRETCHEN BARRETTO WORTH P55M

NI BETH GELENA

Hindi pa rin pala nawawala sa sirkulasyon si Gretchen Barretto.

Last year, naging pearl ambassadress ng international luxury brand na Jewelmer ang longtime live-in partner ni Tonyboy Cojuangco.


Kilala ang company sa lustrous, golden South Sea pearls.

Sabi nga ni La Greta , ang pagmamahal.niya sa.mga perlas ay nag-umpisa noong 10 months old pa lang ang kanyang anak na si Dominique.

Makikita ang larawan niya sa @mkqua IG.

Kamakailan naman, naispatan ang dating aktres na ang suot na alahas worth P55 million.


Sa post ni @hjviyohj sa kanyang Instagram account, makikitang ang suot ni La Greta ay isang Bulgari Serpenti necklace in white gold set with two pear brilliant cut emeralds and a diamond pave necklace.

“La Greta Prime!!! ”

“She’s dubbed as one of the real crazy rich Asians — Ms. Gretchen Barreto

“Through the years, the public has reacted to Gretchen Barretto in only two ways either they love her or they hate her. Never are the watchful eyes more judgmental than when Gretchen Barretto is making a seemingly wanton display of all the grand things money can buy.


“She’s wearing bespoke high jewelry necklace from Bvlgari worth $1M at current market value, or estimated P55 Million,” ang mahaba caption niyo patungkol kay La Greta.

Wala pang nakakaalam kung pag-aari ni La Greta ang milyung-milyong halagang necklace na nakapulupot sa kanyang leeg o mino-model lang niya ito.

Imagine ang P55M necklace, presyo na ‘yan ng isang mansion, huh!!!

Tags: Gretchen Barretto

You May Also Like

Most Read