Latest News

Building maintenance, patay sa bumulusok na depektibong freight elevator

By: Baby Cuevas

Patay ang isang building maintenance personnel matapos bumagsak ang kinukumpuning depektibong freight elevator, kamakalawa ng gabi sa Claro M Recto corner Tomas Mapua St , .Sta Cruz,Maynila.

Kinilala ni PCpl. Sir Christian Joseph Pineda, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si Joseph Abellera, 38, ng Blk 5 Lot 4 Julian Felipe St. Tupda Village, Caloocan City.

Naganap umano ang insidente alas-7 ng gabi nang makarinig ng malakas na kalabog ang mga kasamahan ng biktima mula sa depektibong freight elevator.


Ayon kay Kim Ruelan, kapwa building maintenance ng biktima, huli niyang nakitang buhay ang biktima alas-4 ng hapon habang kinukumpuni ang passenger elevator sa ground floor ng walong palapag na gusali.

Posible umanong sumablay ang ginawang pagkumpuni ng biktima sa elevator, dahilan kaya ito mabilis na bumulusok kasama ang biktima.


Nang puntahan ang biktima, nakita itong nakahandusay at duguan kaya mabilis na isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), pero di na ito naisalba pa.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read