Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Lucena District Office (NBI-LUCDO) ang isang bugaw habang nasagip naman ang tatlong menor de edad sa isinagawang operasyon sa isang motel sa Lucena City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9208, as amended by R.A. 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012), in relation to R.A. 7610, ang suspek na si Jomar Ledda alyas. “Omar”.
Dinala naman sa Social Welfare Department ang tatlong. menor de edad na kinabibilangan ng isang 15- anyos na dalagita.
Ayon sa NBI-LUCDO, nakatanggap slla ng impormasyon na isang ‘Jomar’ umano ang nagre-recruit at nanghihikayay sa mga menor de edad sa Lucena City na magbenta ng aliw kapalit ng pera.
Nagsagawa ng surveillance ang NBI-LUCDO at nang makumpirma na sangkot ang suspek sa human trafficking at ibinebenta ng . P2, 000 ang mga menor de edad ay nakipag-transaksiyon ang isang ‘poseur client’ sa suspek
Nagkasundo ang kliyente at ang suspek na magkita sa isang motel sa Lucena City kasama ang tatlong menor de edad noong Enero 24,2024.
Nang iabot ang pera sa suspek, dito na siya inaresto ng mga ahente ng NBI.