BUENAMANO NG ANTI-FAKE NEWS ACTION COMMITTEE… DAVAO VLOGGER SINAMPOLAN, KINASUHAN

By: Victor Baldemor Ruiz

GINAWANG sample ng Philippine National Police ang isang Davao-based vlogger upang ipakita na seryoso sila sa giyera kontra fake news, nang sampahan nila ito ng kaso dahil sa pagpapakalat umano ng maling balita.

Nagsilbing buenamano ng Anti-Fake News Action Committee ang nasabing vloggers nang pormal itong sampahan ng reklamo ng PNP sa pagkakalat ng fake news hinggil sa gagawing pagsalakay ng mga pulis sa bahay ng detained former President Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Randulf Tuaño, ang paghahain ng reklamo ay nagmarka bilang kauna- unahang pagkilos ng katatatag na Anti-Fake News Action Committee, na may layuning masawata ang mga indibidwal na nagpapalaganap ng fake news, disinformation or misinformation .


Ayon kay Col Tuaño, ang nasabing vlogger ay pinag harap ng habla sa korte sa Davao kaugnay sa unlawful use of means of publication and unlawful utterances, in relation to the Cybercrime Prevention Act of 2012.

“Ito ay isang fabricated [claim], suggesting intentional manipulation to spread false narrative na kung saan po ay pumapatak sa isang disinformation,” paliwanag ni Tuaño sa ginanap na pulong balitaan.


“Ito po ay patunay na seryoso po ang pamunuan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas,” “Kakasuhan at huhulihin ang mga tao na nagpapakalat ng fake news,” ayon pa sa kanya.

Kaugnay pa rin ito sa umanoy malisyosong pahayag na may 30 operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at 90 kasapi ng PNP-Special Action Force mula Luzon ang sasalakay sa bahay ni dating Pangulong Duterte noong gabi ng April 30, 2025.


Dahil umano sa ipinakalat na fake news ay mabilis na dumagsa ang mga taga suporta ng nakakulong na Pangulo para magtipon tipon sa bahay nito.

Tags: Philippine National Police

You May Also Like

Most Read