BUCOR OFFICER, 2 PA, HULI SA P68- MILLION ANTI-DRUG OPERATIONS

By: Victor Baldemor Ruiz

HULI ang isang Bureau of Corrections (BuCor) officer at dalawa pang kasama nito sa ikinasang bigtime anti- narcotics operation nitong nakalipas na linggo sa Parañaque City .

Ayon sa ulat, itinatayang nasa 10 kilo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride, na mas kilala sa tawag na shabu at may street value na aabot sa P68-million ang nasabat sa isinagawang buy-bust operations matapos ang ilang araw na case build-up at surveillance operation.


Inihayag ng PDEA nitong Linggo na naaresto ang 27-anyos na si Correction Officer 1 Paul Patrick Toledo, ang 34-anyos na truck driver na si Romeo Guerrero at Reynold Teodoro 27, na isang security guard ate residente ng Algeciras, Maynila, matapos na mahulog sa iniltag na anti-drug operation sa Skate Park sa Bulungan ng nasabing siyudad .

Matapos na makumpirma ang iligal na operation ng grupo, inilatag ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service (SES) PNP-National Capital Region Police Office; PNP Drug Enforcement Group-Intelligence and Foreign Liaison Division (IFLD) sa Parañaque City ang buy-bust operation.

Bukod sa 10 kilo ng hinihinalang shabu, dalawang sasakyan, isang pistol na may kargang live ammunition at mobile phones ang nasabat mula sa mga suspek, ayon sa report na ipinarating kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo.


Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) at Section 11 (possession of dangerous drugs) ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Toledo, Guerrero at Teodoro.

Kasalukuyang nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang mga awtoridad para matunton ang pinagkukunan ng mga suspek ng droga.


Tags: Bureau of Corrections (BuCor)

You May Also Like