Latest News

BuCor hinikayat ng Simbahang Katolika na paigtingin ang pagbabakuna sa mga PDLs

HINIKAYAT ng Simbahang Katolika ang Bureau of Corrections (BuCor), na paigtingin pa ang pagbabakuna sa mga Persons Deprived of Libert(PDLs).

Nalaman na pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang patuloy na pagbabakuna ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa PDLs sa bansa bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Base umano sa datos ng BuCor, 92% na ng PDLs sa bansa ang fully vaccinated.


Umaasa si Legaspi Bishop Joel Baylon – chairman ng komisyon, sa BJMP na mababakunahan laban sa COVID19 ang mga PDLs.

Naniniwalasi Bishop Baylon na pagsumikapan rin ng BuCor na mabakunahan ang lahat ng mga bilanggo.

“We appreciate the efforts of the BJMP in this regard trying their best to achieve 100% of their PDLs get vaccinated. We also hope & pray that this will hold true also in the BUCOR jails & prisons, where our records say only less that 50% of the PDLs under it has been vaccinated. And we also don’t have any available data from the provincial jails.”ayon sa Obispo.

Saulat ng BJMP, 92.18 – porsyento na o katumbas ng 119,175 na mga persons deprived of liberty (PDLs) ang bakunado na laban sa COVID-19 habang nasa 6.54 na porsyento naman ang naghihintay ng ikalawang dose ng bakuna. (Jaymel Manuel)


Tags: Bureau of Corrections (BuCor)

You May Also Like

Most Read