BSKE 2023 WINNERS, KAILANGANG MAGING KATUWANG NG PAMAHALAAN

By: Victor Baldemor Ruiz

MAGING ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ay umaasa na ang mga nanalo sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay magiging katuwang ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa buong bansa.

Ayon kay AFP Chief General Romeo Brawner, Jr., ang mga nanalo sa BSKE ay may responsibilidad na pagsilbihan ang kanilang mga nasasakupan.

Dagdag pa ng opisyal na bahagi ng kanilang tungkulin ay tiyakin ang kaligtasan ng mga tao.


Sinabi pa ng heneral na ang pakikipagtulungan ng publiko sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan ay nagresulta sa matagumpay at ‘generally peaceful’ Barangay at Sangguniang Kabataan Election noong Lunes.

Samantala, tiniyak ng AFP na mananatiling “vigilant and on alert” ang Hukbong Sandatahan para maiwasan ang anumang pagbabanta ng mga grupo na makagambala sa kapayapaan sa mga komunidad.


Samantala, binigyang-pagkilala at pasasalamat ni Brawner ang naganap na kooperasyon ng Commission on Elections (Comelec), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), at Department of Education (DepEd) na siyang nagbigay-daan para makamit ang layunin para sa isang payapa, maayos at malayang pagsasagawa ng halalan.


Tags: Armed Forces of the Philippines

You May Also Like

Most Read