Latest News

BROWN AT BRAWNER, PARA SA MAS MATATAG NA US -RP ARMED FORCES ALLIANCE

By: Victor Baldemor Ruiz

MULING tinalakay ng United States Armed Forces at ng Philippine Armed forces ang pagpapalakas sa hukbo, military modernization initiatives, Enhanced Defense Cooperation Agreement sites at pagdaragdag sa lawak ng kapasidad ng joint exercises sa Pilipinas.

Napag-alamang tumawag kamakalawa si Chairman of the Joint Chiefs of Staff Gen. CQ Brown, Jr.’s kay Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines Gen. Romeo Brawner, Jr. kung saan kanilang tinalakay ang pagpapalakas ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.


Sa ibinahaging read out ng US Embassy sa Manila sa naging phone conversation sa pagitan ng dalawang military officers ay binigyang-diin ni Gen. Brown ang kahalagahan ng ‘domain awareness’ sa ating exclusive economic zone.

Muling tiniyak ng Estados Unidos ang patuloy na matatag na ugnayan sa Pilipinas at ang kanilang pangako na palakasin ang alyansa batay sa mga magkasanib na strategic interests at mga demokratikong halaga ng dalawang bansa.


Tags: Armed Forces of the Philippines Gen. Romeo Brawner, Jr.

You May Also Like