BRITISH SEX OFFENDER ARESTADO SA ROMBLON

By: Jerry S. Tan

Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigratio-Fugitive Search Unit (BI-FSU) ang isang British national na registered sex offender sa kanyang bansa sa isang enforcement operation sa Sta. Fe, Romblon.

Sa kanyang report, kinilala ni BI-FSU Chief Rendel Ryan Sy ang fugitive na si Andrew Charles Beaumont, 47, na naaresto nitong February 16 sa Sitio Cabalian. Ang operation ay may koordinasyon sa Philippine National Police–Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IG), PNP Intelligence Group Regional Intelligence Unit 4-B, Criminal Investigation and Detection Group Romblon Provincial Field Unit, Regional Intelligence Division Police Regional Office Romblon Tracker Team at government intelligence forces.


Ayon sa records, si Beaumont ay isang registered sex offender sa United Kingdom at subject ng ‘life-long Sexual Offence Notification Order’ na inisyu taong 2012.

Na-convict din si Beaumont sa Australia noong 2009 sa multiple charges ng sexual abuse of a minor. Sentensiyado ang dating guro ng apart na taon at anim na buwang pagkakulong na may tatlong taong non-parole period, dahil sa paulit-ulit na sexual activity sa 15-anyos na biktima sa loob ng anima na linggo.

Nang maaresto, si Beaumont ay nagbibigay ng diving lessons at kilala umano sa lugar sa kanyang local diving business.


Inihayag naman ni BI spokesperson Dana Sandoval na sa BI database, lumitaw na si Beaumont ay huling dumating sa bansa noong September 19, 2022 bilang temporary visitor na ang huling authorized extension ay nag-expire noong November 2023, kung kaya’t siya ay isang overstaying alien.

Ayon kay Sandoval, si Beaumont ay mananatili sa BI Warden’s Facility (BIWF) habang nahaharap sa deportation.


Tags: Bureau of Immigratio-Fugitive Search Unit (BI-FSU)

You May Also Like