Latest News

BRGY CHAIRMAN TINANGKANG LIKIDAHIN 1 PATAY 2 MALUBHA

By: Victor Baldemor Ruiz

PATAY ang isang lalaki habang dalawa pa ang malubhang nasugatan matapos na tangkaing likidahin ang Kapitan ng Barangay Kalanganan 2 ng Cotabato City sa Barangay Bagua 3 sa nasabing lungsod .

Sa inisyal na ulat, Biyernes ng gabi ay pinaulanan ng bala ang sasakyan ni Barangay Chairman Edris Ayunan Pasawiran nang dikitan ng mga hindi pa nakikilalang suspek pagsapit sa Mabini Street.

Ayon kay Police Colonel Querubin Manalang Jr. na hepe ng Cotabato City police, sa inisyal na ulat ay sinasabing may lima ang sugatan sa insidente.


“Initially po, may apat na wounded na dinala sa [Cotabato Regional and Medical Center] pero sa pag-iikot natin — kasi ang sabi nila meron daw wounded din sa mga umatake, pero wala naman pala — meron kaming na-follow up diyan sa may Sanitarium isang wounded na kasama rin nila,” pahayag ni Manalang.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa pananambang at pagkakakilanlan ng mga salarin.

Patay ang driver ni Barangay Chairman Pasawiran habang malubha umanong nasugatan ang dalawa niyang kasama nang tambangan sila sa mataong bahagi ng Mabini Street sa Barangay Bagua 3.

Sakay si Pasawiran, at mga kasama nito ng isang Toyota Grandia Hi-Ace Van ng sila ay tambangan ng mga armadong mga kalalakihan na sakay naman ng isang Suzuki mini van ,


Sinasabing nakaganti rin ng putok ang grupo ng barangay kapitan at may mga nasugatan din sa mga nanambang na sakay ng silver na Suzuki mini-van na nakitang may mga tama rin ng bala at bakas ng dugo matapos na abandonahin ang getaway vehicle Barangay Rosary Heights 3, Cotabato ng habulin ng mga awtoridad .

Kinumpirma nila Pasawiran at mga kasama na nakaganti sila ng putok ng sila ay putukan ng mga tumambang sa kanila.

“Tinitingnan pa po namin, maraming anggulong tinitingnan. ‘Di rin natin kilala kung sino yong mga assailants eh. Kailangan pa natin makausap ‘yong mga victims kung kilala ba nila, kung ano ba talaga nangyari.”

Sa paunang imbestigasyon ay sinasabing isang mini van umano na pinaniniwalaang getaway vehicle ng mga salarin ang natagpuan sa bahagi ng Barangay Rosary Heights 3.


“I think Mazda mini van, nakuhaan din ng isang .45. Tinitingnan pa namin kung connected ‘yon sa pamamaril pero sa tingin ko connected eh. Kasi nagkaroon ng habulan, nag-pursuit operation kami, naabutan nga doon ‘yong abandoned na mini van,” sabi ni Manalang na nakuhanan pa ng isang kalibre 45 pistola.

Nakaligtas sa pananambang si Pasawiran. “[U]nharmed po siya, ang pagkakaalam ko nasa bahay na nakauwi na,” ayon kay PCol. Manalang.

Tags: Cotabato City Police

You May Also Like

Most Read