BRAHMOS SUPERSONIC CRUISE MISSILE SYSTEM, PARATING NA

By: Victor Baldemor Ruiz

KINUMPIRMA kahapon ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro, Jr. na parating na ang panibagong batch ng BrahMos cruise missile system .

“So parating na ito at aming gagawin ang kailangan natin upang magamit ito ng tama,” ani Secretary Gibo Teodoro.

Hindi nagbigay ng anumang detalye ang kalihim hinggil sa paparating na supersonic cruise missile system na nakatakdang ihatid ng India sa Pilipinas lulan ng isang cargo ship.


“Yan ay mga dating order and talagang parating At aming ginagawa, na-order nga ito ngunit kung kung saan ito ilalagay at kung saan ito ii-store, hindi nakahanda noon at aming inihabol at aming inihanda. So parating na ito at aming gagawin ang kailangan natin upang magamit ito nang tama, “ aniya.

Nabatid na ipinadala na ng India ang pangalawa mula sa ikatlong batch ng BrahMos cruise missiles sa Pilipinas. Magugunitang ang unang BhraMos battery ay inihatid sa bansa sakay ng Indian Air Force transport aircraft noong April 2024, habang ang ikalawang batch ay ipinadala lulan ng barko.


Ang tatlong BrahMos missile batteries mula India ay alinsunod sa P18.9 billion na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Indian-Russian joint venture na BrahMos Aerospace private Ltd.

Walang kumpirmasyon subalit sinasabing ang bawat BrahMos battery na binili ng Pilipinas ay fully- integrated coastal defense system na binubuo ng mobile autonomous launchers, fire-control radar, command and control centers at logistical support vehicles. Naka-mount ito sa high-mobility Tatra 6×6 platforms.


“Ang supersonic cruise missile can carry a 200–300 kilogram conventional warhead at pinalilipad gamit ang solid propellant booster para sa initial acceleration saka susundan ng liquid-fuel ramjet engine para sa low altitudes with pinpoint strike precision na mahirap umanong ma- intercept, ng ibang air defense systems,” aniya.

Lumilitaw na ang Pilipinas ang ikatlong bansa sa Southeast Asia na nagkaroon ng itinuturing na pinakamabilis na supersonic anti ship missile system, kasunod ng Indonesia at Vietnam.

Matatandaang sa paglagda ng kontrata noong Enero 2022, sinabi ni dating Defense Secretary Delfin Lorenzana na magbibigay ang BrahMos missiles ng deterrence capability sa bansa.

Ang BrahMos medium-range supersonic missiles na kayang umabot sa 290 kilometers hanggang sa 400 km ay maaaring ilunsad mula sa submarines, mga barko, eroplano o land platforms. Ito ay may bilis na Mach 2.8 o halos triple na mas mabilis sa speed of sound.

Tags: Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro

You May Also Like

Most Read