NALILITO ang mga Marites sa social media sa joint official statement nina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil hindi ito malinaw para sa iba kung ang kasal lang daw ba ang hindi tuloy pero mananatili pa rin ang kanilang romantic relationship.
May mga nag-react din sa naging patutsada nina Bea at Dominic sa kanilang official statement para sa mga naglalabas ng balitang hiwalay na sila.
Obvious naman kung sinu-sino ang mga tinutukoy nina Bea at Dominic.
Pero duda ang mga netizen na patama yun sa King of Talk na si Boy Abunda.
Matatandaang ilang araw lang kasi matapos na kumpirmahin ni Kuya Boy na ibinalik ni Bea ang engagement ring niya kay Dominic na nangangahulugan na wala nang magaganap na kasalan at saka sila naglabas ng joint official statement na mutual decision na hindi na muna matutuloy ang kanilang wedding.
Sa naganap na pagpirma muli ng kontrata ni Kuya Boy para sa kanyang “Fast Talk” show sa GMA-7 ay nahingan ito ng reaction tungkol sa inilabas na official statement nina Bea at Dominic.
Ani Kuya Boy sa GMA-7 News: “There’s a time to speak and a time to shut up – but not for long.”
Marami naman naarterhan sa ex-lovers. Parang all of the sudden ay may mga ganoon paninisi na sila sa mga tao na nagbalita sa kanilang personal life, lalo na sa kanilang lovelife.
Anyway, sa muling pagpirma ng kontrata ni Kuya Boy ay mananatili siyang Kapuso, taliwas sa balitang titigil at aalis na siya sa kanyang show na pinag-uusapan ng masa.
Kasama ni Kuya Boy sa contract signing sina GMA Network chairman Atty. Felipe Gozon; GMA-7 president and CEO Gilberto Duavit Jr.; at EVP and Chief Financial Officer Felipe Yalong. Dumating din ang GMA Films president Atty. Annette Gozon-Valdez at Senior VP for Entertainment Group Lilibeth G. Resonable.
Present din ang VP for Corporate Affairs and Communications Angela Javier Cruz and VP for Business Development department Gigi Santiago-Lara.
Nagpasalamat naman si Kuya Boy sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng Kapuso Network.
“Ito’y nangangahulugan na patuloy ang tiwala at suporta. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong ibinigay sa akin na bumalik sa GMA. It takes a village to be able to do a 20-minute talk show. I do this with a community of committed people and I will continue to do the show in gratitude and in love.
“Nagpapasalamat ako kay Atty. Annette at sa Sparkle dahil mas buo na ang tiwala ng mga artistan ngayon. A lot of them are discovering na masayang maging parte ng talk show and that we are allies. We are able to help build stars,” say ni Tito Boy.
In return, Atty. Gozon expresses his gratitude for Tito Boy: “Walang duda na siya ngayon ang pinakamagaling na talk show host. Kaya kami ay nagpapasalamat at nagagalak na nag-renew tayo ng kontrata.”
Samantalang GMA Entertainment strongly warns the perpetrator who have been posting about the fake audition for “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”
Ang scammers na ito ay ginagamit ang pangalan ng GMA Network para makakolekta ng pera or solicit private photos and information.
Ipinaabot ng GMA-7 sa publiko na walang ongoing audition para sa upcoming series.
Hinihikayat ang mga nabiktima ng fake audition na i-report ito kaagad sa pulisya.














