KASALUKUYANG nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Bureau of Custom at Department of Agriculture sa pinagmulan ng limang container na naglalaman ng hinihinalang smuggled frozen meat or karneng botcha matapos ang isinagawang pagsalakay sa Caloocan.
Sa ulat na ibinahagi ng Aduana kahapon isang hinihinalang temporary storage ang sinalakay ng BOC at DA sa Tuna Street sakop ng C03 sa Caloocan at ditto nadiskubre ang hinihinalang mishandled or expired .
Limang container umano ng mishandled meat o expire na mga karne ang nadiskubre sa nasabing raid sa Caloocan City
Subalit isang container pa lamang ng expired na mga karne ang nabubuksan ng mga awtoridad.
Target ng mga imbestigador na matukoy kung ito ba ay smuggled na mga frozen products at may ari ng nasabing lugar.