PUMIRMA si comedian-TV host Bossing Vic Sotto (gitna) bilang Hanabishi brand ambassador sa idinaos na mediacon kamakailan. Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) Hanabishi Appliances VP for Finance and Marketing Cherish Ong-Chua, VP for Operations Candice Ong-Ang, President and CEO Jasper Ong at VP for Purchasing and Merchandising Jevon Ong.

BOSSING VIC WALA PANG PLANONG MAGRETIRE SA SHOWBIZ

By: Beth Gelena

NA-INTERVIEW si Bossing Vic Sotto sa mediacon ng Hanabishi kung saan siya napiling maging brand ambassador nito.

Hiningan siya ng reaksyon tungkol sa naging pahayag ng kapatid niyang si dating Senate President Tito Sotto ukol sa kontrobersiyang kinakaharap ng longest-running noontime na “Eat Bulaga.”


“Lahat ng katotohanan nailahad na niya,” ayon kay Bossing Vic.

Pero giit ni Bossing, isa lang umano ang masisiguro nila at ito ay ang pananatili sa ere ng “Eat Bulaga.”

Paglilinaw pa ng komedyante, wala pa rin daw sa isip niya ang mag-retire sa showbiz hanggang nakapagbibigay pa siya ng kasiyahan sa mga tao.


Kasama pala ni Bossing Vic bilang a
Hanabishi brand mbassadress si Pop Royalty Sarah Geronimo, kaya looking forward daw siya na makagawa silang dalawa ng proyekto.

“May mga naisip na ako kung ano ang aming gagawin at tiyak na swak yun. Sana nga matuloy,” say ni Bossing Vic.


Tags: Vic Sotto

You May Also Like

Most Read