TULOY na tuloy na ang pagsasanib-pwersa nina Bossing Vic Sotto at Piolo Pascual para sa kanilang MMFF Entry na “The Kingdom.”
Naglabas na ang APT Entertainment ng mga larawan ni Bossing at Papa P sa kanilang social media kasama ang ilang cast.
Kuha ang larawan sa start ng conference ng grupo.
Tatlong production ang magkatuwang sa pagpo-produce ng MMFF 2024 entry ng dalawang malaking artista sa showbiz — MZet TV Productions, MQuest Ventures, Inc. at APT Entertainment, Inc.
Sa larawan ay may napansin ang mapanuring mata ng commenter kay Papa P: “Bat parang nag iba itsu ni Papa P?!?”
Say naman ng isa: “Sa edad ni bossing sana makagawa naman sya ng makabuluhang pelikula talaga! Hindi naman porke comedian hindi na makakagawa ng quality films, yung mga ganun man lang sana sa Ang Tatay Kong Nanay ni Mang Dolphy o yung episode ni Chiquito sa Lovingly Your’s, Helen.”
Tanong naman ng isang netizen: “Why Papa P why????
“Wow ang bongga may budget script reading pa lang”
“My crush sid Lucero ang gwapo! At fresh kabog si piolo LOL”
“Grabe si Piolo ageless!!!”
“Maganda raw story. Epic Philippine drama na ano Pilipinas kung di sinakop ng Kastila and not named as the Philippines.”
“Buti naiba naman kasama ni bossing. Hindi yung puro taga EB.”
“Ano premise ng entry nila? May nakakaalam po ba dito? Comedy o drama ba itey? Sana ibang-iba sa enteng ni bossing. Gulatin sana tayo sa kalidad ng kwento at production. Anniv pa man din ng mmff”
Hirit naman ng isang netizen: “Pwede bang Vico and Piolo na lang?”














