Bosnia and Herzegovina region, niyanig ng magnitude 6 na lindol

NIYANIG ng magnitude 6 na lindol ang Bosnia and Herzegovina region.

Batay sa inilabas ng US Geological Survey, tumama ang lindol 14 km ng Hilagang Silangan ng bayan ng Ljubinje ng 9:07 ng gabi, oras sa kanilang bansa.


Dagdag pa, may lalim ang nasabing lindol na 2 km o katumbas lamang ng 1.2 milya.

Wala namang naitalang malaking pinsala ang lindol sa naturang bansa.

Samantala, nagbabala naman ang European-Mediterranean Seismological Centre sa mga posibleng aftershocks sa mga susunod na araw at oras.


Tags: US Geological Survey

You May Also Like