Border controls at mandatory facemask, di na kailangan

By: Jaymel Manuel

Hindi na umano kailangan na magkaroon ng border controls at mandatory na pagsusuot ng facemask, kasunod ng pagkumpirma sa apat na kaso ng ” walking pneumonia” sa bansa.

Ayon kay Philippine College of Physicians President Rontgene Solante, hindi dapat na maalarma ang publiko sa na-detect na kaso ng ‘walking pneumonia’ dahil ang impeksiyon nito ay “self-limiting” di tulad ng COVID-19 at iba pang influenza-like illnesses (ILI) na mas nakakahawa.


Gayunman, maaring abisuhan ng mga airlines ang mga pasahero na magsuot ng facemask kapag sila ay nasa loob ng paliparan dahil maraming tao at makakatulong ito para mabawasan ang impact ng hawaan.

Sinabi rin ni Solante na hindi na kinakailangan na magkaroon ng mandatory drug testing para sa walking pneumonia dahil makakarekober naman sa ubo at lagnat at kaukulang pahinga ang tao.

Binigyang-diin pa ni Solante na bababa na ang influenza-like sa katapusan ng Enero o Pebrero at muling tataas sa panahon ng holiday season sa susunod na taon.


Tags: Philippine College of Physicians President Rontgene Solante

You May Also Like