BOMB EXPERT, HULI NG NAVAL INTEL

By: Victor Baldemor Ruiz

NADAKIP ang itinuturong bomb expert na responsable umano sa ‘bomb attack’ sa dalawang bus companies matapos itong matunton ng Philippine Navy Naval Intelligence unit .

Pansamantalang itinago ang pagkakikilanlan sa nadakip na miyembro ng terrorist group na Daulah Islamiyah, Hassan group bunsod ng follow- up operation na ginagawa ng mga tauhan ng naval intelligence.


Ang sinasabing bomb expert ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng military at kapulisan sa Barangay Midpandacan, General Salipada K. Pendatun sa Maguindanao del Sur.

Ayon naman kay Area Police Command-Western Mindanao Chief Maj. Gen. Bernard Banac, ang nasabing suspek ay wanted dahil sa iba’t-ibang criminal at terroristic activities na kinasasangkutan nito mula sa South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani and General Santos.

Sinasabing dating kasapi ito ng Al-Khobar extortion group at itinuturong responsable sa mga bomb attack sa mga bus companies na isinagawa noong 2007 at 2015.


Mayroon din itong warrant of arrest dahil sa four counts ng attempted murder na unang inilabas ng korte noong December 2022 sa North Cotabato.


Tags: Area Police Command-Western Mindanao Chief Maj. Gen. Bernard Banac

You May Also Like