Latest News

Boluntaryong magsuot ng facemask sa pagdalo sa Simbang Gabi, ipinanawagan

By: Carl Angelo

Hinikayat ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na boluntaryong magsuot ng facemask sa loob ng Simbahan sa kanilang pagdalo sa Simbang gabi.

Sa inilabas na circular ni Cardinal Jose Advincula, sinabi nito na base sa rekomendasyon ng archdiocese Ministry on Health Care, ito ay matapos ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at ibang respiratory illnesses.

“But we will not allow them to deprive us of Christmas joy. We request our communities to observe the health and safety protocols.,” ani Advincula.

Pinayuhan rin ni Advincula ang mga maysakit na manatili sa kanilang bahay para hindi makahawa.

“Let these measures be our gesture of charity and compassion for others, especially those who are vulnerable,” saad pa ng cardinal.

Tags:

You May Also Like

Most Read