ARESTADO ang isang lalaking itinuturing na ‘most wanted person’ sa City level at No 2 Most wanted person ng Bulacan Provincial Police Office na diumano ay may kasong rape at 37 counts of sexual assault, sa isinagawang law enforcement operation sa lalawigan ng Iloilo.
Ayon kay San Jose Del Monte City police chief Col Ronaldo Lumactod . dumayo pa ang kanyang mga tauhan para madakip si Ronel Blanco Boholano sa Brgy. Ipil, Balasan, IloIlo City matapos na maberipika ng kanyang intelligence officer ang pinagtataguan ng suspek.
Si Boholano, 41 anyos , rice dealer at tubong Balasan Iloilo City ay may standing warrant of arrest sa kasong rape, Act of Lasciviousness at 37 counts ng sexual assault bago ito nagtago hanggang sa matutunton ng mga tauhan ni Col Lumactod kamakalawa ng hapon.
Nabatid na nakatanggap ng intel report ang CSJDM PNP hinggil sa kinaroroonan ng suspek kaya matapos ang ginawang vetting process ay inatasan ni Lumactod ang mga tauhan ng Warrant Section sa pangunguna ni PMSg Darwin S De Castro at nakipagtulungan sa PNP- RIU- 6, na pinamumunuan ni PLT COL Ryan Bobby Paloma, PNP AKG Visayas Field Unit, IloIlo Satellite Office, sa ilalim ni LT COL Lowel Ber Ceralvo, Balasan MPS, na hawak ni by PCapt Alexander S Lauron, Sta. Barbara MPS, Ilo-Ilo PPO, PRO 6 sa ilalim ng pamumuno ni PMAj Jose Rey S Pabalan, RMFB 6, 601st Coy under ni y PCapt Richard Esteral at Iloilo 1st PMFC na pinamumunuan ni PMaj Joven Arevalo.
Si Boholano ay pakay ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ma Cristina Geronimo Juanson, Presiding Judge ng RTC Branch 5FC, CSJDM, Bulacan, na may petsang September 8, 2022 at walang piyansang inirerekomenda dito dahil sa kasong rape.
Nahaharap ito sa mga kasong acts of lasciviousness in relation to Sec. 5(b) OF R.A 7610 docketed under CC# 435-SJDM-2022, with P180, 000 bail recommended at 37 counts of sexual assault in relation to Sec. 5(b) OF R.A 7610, docketed under CC# 397 to 398-SJDM-2022 & 400 to 434-SJDM-2022, with P180,000 bail recommended for each count
Pansamantalang nakakulong ang suspek sa Balasan- MPS bago ibiyahe mula Iloilo papuntang City of San Jose Del Monte, City Police Station custodial facility para sa kaukulang documentation bago ibalik ang hawak nilang warrant sa issuing court.














