Bogus na abogado, arestado ng NBI

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI ) ang isang babaeng nagpapanggap na abogado na nakapanloko diumano sa kanyang biniktima ng may P19 milyon sa pagitan ng Marso hanggang Oktubre 2023 sa Bacoor City.

Nahaharap ang suspek sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315 (2)(a) ng Revised Penal Code (RPC) at Unauthorized Practice of Law ang suspek na sinampahan ng cases sa Bacoor City Prosecutor’s Office.


Sa reklamo ng complainant sa National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR), nakasaad na nagpakilala sa complainant ang suspek bilang isang Atty. Mendoza, na umano’y isang top caliber lawyer at nakapanghingi na ng halagang P19 milyon bilang legal fees at bayad sa kanyang serbisyo .

Napag-alaman na bago isinailalim sa entrapment operation ay muling nanghingi ang suspek ng halagang P5 milyon sa complainant bilang kabuuang bayad sa kanyang legal services at assistance.

Sanhi nito,nagreklamo ang complainant sa NBI at ikinasa ang entrapment operation noong Nobyembre 16.


Inaresto ang suspek nang tanggapin ang marked money at sa beripikasyon ay napag-alaman na hindi ito tunay na abogado.


Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like

Most Read