Latest News

Bodega ng Tsinoy sa Sampaloc, nasunog

By: Baby Cuevas

Nasunog ang dalawang palapag na bodega ng iba’t- ibang produktong yari sa bakal at pag-aari ng isang Tsinoy, kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila .

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog ay nagmula sa unang palapag ng 500-square-meter na bodegang pag-aari ni Anthony Chua, sa No. 501 Silencio St., Brgy 586, Zone 57, District 4, Sampaloc, Maynila at inookupa ng Solidtine Innovations.

Nagsimula umano ang sunog ala-1:47 ng madaling araw na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang ‘fireout’ alas -5:28 ng umaga.


Ayon sa BFP, itinatayang mahigit sa P6 milyon ang halaga ng mga napinsalang ari-arian at may tatlong bahay at establisimiyento ang nadamay sa sunog.

Wala nambang iniulat ang BFP na nasaltan o nasawi sa naganap na sunog habang patuloy na iniimbestigahan ang sanhi nito.


Tags: Bureau of Fire Protection (BFP)

You May Also Like

Most Read