Bodega ng gadgets, natupok

Natupok ang di pa madeterminang halaga ng mga gadgets matapos sumiklab muli ang sunog sa isang bodega,kahapon ng umaga sa may Carlos Palanca St.,San Miguel,Maynila.

Ang nabanggit na bodega ay una nang nasunog,kamakalawa pero muling nagliyab alas 9:05 ng umaga.


Umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang fire-out alas 12:34 ng tanghali.

Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa nabanggot na sunog.

Gayunman,tinatayang milyon halaga ng gadgets ang natupok.


Patuloy naman ang imbeatigasyon ng Arson sa sanhi ng sunog. (Arsenio Tan)


You May Also Like