Latest News

BOC, NAKAKUMPISKA NG P19.2M SMUGGLED PRODUCTS SA FIRST QUARTER NG 2023

By: Victor Baldemor Ruiz

Nakakumpiska ang Bureau of Customs (BOC) ng mahigit P19.22 billion halaga ng smuggled products noong unang quarter ng kasalukuyang taon.

Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio, ito ay bunga ng agresibong intelligence gathering at mabilis na aksyon ng ahensya lalo na ng mga personnel na nasa ground kaugnay sa mga report na kanilang natatanggap may kinalaman sa smuggling.

Ang pangunahing produkto na nasabat ng mga awtoridad noong unang quarter ay ang counterfeit goods na nagkakahalaga ng mahigit P13.249 billion, agricultural products na nagkakahalaga ng P2.552 billion, sigarilyo at tobacco products na nagkakahalaga ng mahigit P1.748 billion at mga iligal na droga na pumapalo sa P849 million.


Tiniyak naman ng BOC na hindi nila kukunsintihin ang ganitong mga iligal na gawain na banta sa kapakanan at seguridad sa ating bansa.

Maliban sa mga nakumpiskang mga produkto, ibinunyag din ni Rubio na ni-revoke ng BOC ang accreditation ng 48 importers at 19 na customs brokers para sa paglabag sa Customs law, rules and regulations.


Tags: Bureau of Customs (BOC)

You May Also Like