BILANG bahagi ng atas ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. na palakasin ang border security at pigilan ang pagpasok ng mga iligal na droga sa bansa, muling nakasabat ang Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ng shabu na nagkakahalaga ng P22,997,600, na nasa dalawang unclaimed at abandonadong packages sa OBC Warehouse, NAIA Complex, Pasay City.
Ang operasyon ng BOC-NAIA na pinamumunuan ni District Collector Atty. Yasmin Mapa, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ay naganap nitong February 11, 2026 at ang kontrabando ay idineklara bilang CCTV kits na sumailalim sa pagsusuri, bunsod ng derogatory information mula from PDEA.
“The BOC-NAIA is further strengthening operational controls and inter-agency coordination to sustain pressure against drug smuggling networks operating through air cargo and courier route, pagtitiyak ni Mapa.
Ang unang package na mula Malawi, Africa, ay nakitaan ng 2,370 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P16,116,000 habang ang ikalawang package na mula Johannesburg, South Africa, ay mayroon namang 1,012 grams ng shabu na may halagang P6,881,600.
Ani Mapa, ang dalawang packages ay nai-turnover na sa PDEA at ang interception ay isa umanong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, as amended) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
Binigyang-diin ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang kahalagahan ng patuloy na pagbabantay at malakas na inter-agency coordination at aniya: “The continued interception of illegal drugs, even in unclaimed and abandoned shipments, shows that our enforcement units remain proactive and alert. We will keep strengthening our cooperation with partner agencies to prevent our ports from being used as entry points for dangerous substances.”
Dahil sa latest operation, umabot na ang total value ng illegal drugs na nasabat ng BOC-NAIA ngayong taon sa halagang P479 million, sa ilalim ng pamumuno ni Mapa.














